Martes, Agosto 1, 2017

SITWASYON NG TUNGKULIN NG WIKA

ANG WIKA AY MAY IBAT IBANG TUNGKULIN:


1.Instrumental- ang wika ay instrumental kung ang sinasalita ay nakikiramay sa mga pangangailangan sa mga tao, paligid lalo na kung may katanungan na dapat sagutin. Ginagamit rin ito sa mangyari o maganap ang mga bagay tulad ng pag utos,pagsasalaysay, o pagpapahayag ng pagtuturo at pagkatuto sa karunungang kapaki pakinabang ,pagbibigay panuto, pangangaalakal at iba pa.
Image result for larawan ng pagtuturo
Ang guro ay nagtuturo sa kanyang estudyante. Nagbibigay siya ng karunungang kapaki pakinabang sa kanyang estudyante.

2. Regulatoryo- Ang wikang nangangahulugang nagagamit ito sa pagkontrol ng ugali o asal ng ibang tao, sitwasyon o kaganapan.

Image result for regulatoryo


Pagkontrol sa mga tao at pagbigay ng nararapat na gawin sa pagtuwid at pagsunod sa mga simbolo.

3. Interaksyunal-  Ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag, pagpapanatili at pagpapatatag sa relasyong sosyal sa kapwa tao.Nangangailangan ng matagumpay na interaksyon ng wastong pag uugali,wastong pagsasabi sa wastong paraan at paggawa ng mga bagay ayon sa kinagawian.
Image result for larawan ng interaksyunal
Si Rochelle, Sahira at Jellyn ay nag uusap tungkol sa kanilang plano sa proyekto ng Filipino.


4. Heuristiko- Ang tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap o paghingi ng impormasyon. Samakatuwid, ito ay pagtatanong. Kagamitan sa paghanap sa pagtuklas at pagharap ng mga tala, impormasyon at datos.

 Image result for larawan ng pananaliksik
Ang mga kabataan ay nananaliksik  upang may masagot sa asignatura.

5. Personal - Tungkulin ng wika na ginagamit ng pagpapahayag ng damdamin o opinyon. Lunsaran ng pagpapabatid ng opinyon at ideya.

Image result for larawan ng liham o patnugot





















Si Hazel Ann Villar ay gumawa ng isang liham ng pangangalakal ng pagpapahayag niya ng interest na maging kawani niya sa kanilang kompanya.

6. Impormatibo - Ang tungkulin na ito ay paggamit sa pagbibigay ng impormasyon. Samakatuwid,ito ay ang pagsagot sa mga tanong.Bilang ng impormasyon,kaalaman ay kamalayan.

Image result for larawan ng pag uulat

Ang tagapa ulat ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa pagla-label ang pagkilos paggawa ng isang illegal strike, vowed ang kumpanya haharapin ang mahigpit na may mga manggagawa na lumalahok sa mga welga.

7. Imahinatibo -  Ang tungkulin na ito ay ang pagpapahayag ng imahinsyon sa malikhaing pamaraan. Pagpapahayag ng nilalaman ng haraya o imahinsyon.

Image result for larawan ng pagsasalaysay

Mga malikhaing imahinasyon sa paggawa ng timeline tungkol sa sitwasyon o mga pangyayari sa relasyon.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento