ANIM NA PARAAN AT SITWASYON NG PAGGAMIT NG WIKA
1. Conative(Paghihikayat)- ginagamit ang wika upang mag utos, manghikayat o magpakilos. Upang makahimok at makaimpluwensiya sa iba.
Gumawa ang PNS ng pakiusap upang maimpluwensiyahan at maging mapanuri sa pagbili ng produkto.
2. Emotive(Pagpapahayag ng damdamin)- Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at emosyon. Ito ay batay sa pagsulat basi sa nasaksihang pangyayari, nakitang larawan at narinig.
Isang sulat ng paggawa ng storya o nobela na ipinapapahayag ni Franciso Balagtas na nababatay sa kanyang nasaksihang pangyayari.
3. Phatic (Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan)- ginagamit ang wika upang makipag -ugnayan sa kapwa at makapag simula ng usapan.
Ang presidente ng America at sa China ay nagkakamayan sa pagtatapos ng kanilang paguusapan.
4. Metalingual(pagbigay ng kuro-kuro)- ginagamit ang wika sa pagbigay ng komentaryo sa isang kodigo o batas.
Paggawa ng isang pamanahong papel tungkol sa pagsusuri ng Tuberkulosis.
5. Poetic(Pagtalinghaga) -Masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan,sanaysay, prosa at iba pa.
Pananaliksik ng mga matalinghagang kaalaman gaya ng idyoma kung saan nakatago ang tunay na salita o ang tunay na kahulugan nito at ang matalinghagang pananaliksik ng prosa.
6.Referential(Paggamit bilang sanggunian)- ginagamit ang wikang nagmula sa aklat at iba pang babasahin bilang sanggunian o batayan ng pinagmulan ng kaalaman.
Ang pag sasaliksik ng impormasyon gaya ng pagpunta sa library upang mag saliksik ng impormasyon o kaalaman sa mga aklat.